Anong Meron?

Wala akong magawa ngayon kaya mag-uumpisa na lang ako ng blog post na ang pamagat ay “Anong Meron?”. Reply kayo kung anong meron. Umpisahan ko na dito sa post kung anong meron na alam ko. Anong meron? mag-aaral na ako uli may girlfriend na si Pio may post na ako uli wala na ako maisip agad boo Tonio SM said… - di mo pa din siya maalis sa isip mo...

June 2, 2008

Basketbol sa Timezone

Naka-576 ako kanina (kahapon na). Yey. Gusto ko pa sana habaan ang post kaso wala akong maisip. Hehe. VT Galang said… Oo na saksi na ako Wali na “autistic” ka talaga, pati sa Timezone Basketball hahahaha apir repapips awoo! Friday, May 16, 2008 12:04:00 AM

May 15, 2008

510!

Ang tagal ko na walang post. Wahahaha! Wala akong Alone Time nung nakaraang Abril dahil sobrang naging magastos ko nung buwan na iyon. Ilang beses ako napadpad sa TriNomNom para maglaro at kumain. Hindi na dapat maulit ito dahil baka hindi pa matupad ang pinag-iipunan ko. Pwede na siguro ang twice a month o kaya ay once a week pero mas maganda kung mas madalang pa. 510! Wuhoo, Nitong Friday, May 2, 2008 ay nasa Timezone uli ako kasama si Kyle, Red, at Wigi....

May 5, 2008

Walang Magawa

Kapag walang magawa, gumawa ng wala. Kapag walang magawa, magpunta na lang sa http://616.borap.net/. Kapag walang magawa, mag-update ng Multiply. Kapag walang magawa, iwasan ang ganitong post. VT Galang said… Ang suwerte mo naman wala kang magawa. Friday, April 18, 2008 11:55:00 PM Waldemar Bautista said… Ganun talaga kapag mayaman. Saturday, April 19, 2008 12:20:00 AM Jobelle Avengoza said… at gwapo. Saturday, April 19, 2008 1:12:00 AM VT Galang said…...

April 18, 2008

Teen Love

Kanina (kahapon na pala) ang pangatlong Alone Time ko. Pero gaya nung dalawang una, hindi na naman ako alone. Kasama ko si Kyle, Red, at Wigi. Teen love ang paksa dahil iyan ang nangibabaw na pangyayari sa Alone Time na ito. Isisingit ko na lang habang sinasalaysay ko ang mga ginawa ko ngayon. Sa TriNomNom uli kami nagpunta. Mula UP ay dumiretso kami sa Timezone. Nag-basketbol uli ako dahil iyon lang ang kaya kong gawin bukod sa pagkanta....

March 27, 2008

Golden Arch Learning Center Graduation and Recognition Day

VT Galang said… Teacher Wali!!! Monday, March 17, 2008 11:00:00 PM Ardee Aram said… Ser! Tuesday, March 18, 2008 7:22:00 PM Waldemar Bautista said… Yes, children? Tuesday, March 18, 2008 10:22:00 PM Ardee Aram said… ser papano po magmarijuana? Joke lang ser, wag nyo akong ibabagsak ha Wednesday, March 19, 2008 1:00:00 PM Waldemar Bautista said… Iho, magpakatino ka na. Wala kang mararating kung lagi kang ganyan. Tuesday, March 25, 2008 6:13:00 PM...

March 17, 2008

Kamatayan

Alam nyo bang dalawang beses ko na naramdaman si Kamatayan? Hindi ako nagbibiro. Totoo ito. Pero wala akong katibayan. Unang beses ay nung high school ako. Nagising ako na parang napakatahimik ng paligid. Sinulat ko pa nga ang aking naging obserbasyon sa isang kwaderno kaso di ko alam kung nasaan na yun. Ang alam ko ay may mangyayari. Naramdaman ko talaga yun. Nung araw na yun, nabalitaan ng klase namin na nasa ospital ang tatay ng isa sa amin....

March 12, 2008

Dick Liddle

Liddle talaga yan at hindi little. Sya ay isang tauhan sa palabas na “The Assassination of Jesse James by the Coward Robert Ford”. Pangalan nya ang nilagay ko sa paksa dahil sadya nga namang napakahusay nito. Sa Wednesday pa dapat ang Alone Time ko pero bigla akong napadpad kanina (kahapon na pala) sa TriNoma kasama si Wigi at si Red. Kumain lang kami sa KFC at nanood ng sine na nabanggit ko na sa taas ang pamagat....

February 25, 2008

Panganay

Hindi ako ang panganay. Sa katunayan nga ay pang-apat ako sa limang magkakapatid. Ngunit ngayong 2008, pakiramdam ko ako ang panganay. Ako kasi ang kinukulit ng nanay ko na gawin ang ganito at gawin ang ganyan. At dahil kailangan ng pera para magawa ang ganito at magawa ang ganyan, napipilitan tuloy akong mag-isip kung saan kukuha ng pera. Alam nyo bang nakakaapekto sa katinuan ang pag-iisip kung paano magkakapera? Lalo tuloy nadadagdagan ang pagiging masungit, malungkot ang pananaw sa buhay, at walang social life ko....

February 21, 2008

Init Ulo

Nitong mga nakaraang linggo ay mainit ang ulo ko. Hindi lang halata pero mainit talaga ang ulo ko. Pero kung sabagay, mahirap talaga malaman kung mainit ang ulo ko o hindi. Dumami kasi bigla ang aking mga gawain. Kaliwa’t kanan ang pangungulit ng mga tao. Wala pa akong ka-date sa darating na Valentine’s Day. Syempre, biro lang yung huli kong sinabi pero yung unang dalawa ay seryoso. Dahil sa dalawang yun ay napilitan uli akong magpuyat....

February 16, 2008

143

Hindi yan yung iniisip nyo. Yan ang pinakamataas kong nakuha sa basketball sa Timezone kanina … kahapon pala. Kasama sa aking unang Alone Time na ginanap sa TriNoma.. Ok ang nangyari kahapon. Kain sa Krispy Kreme, laro sa Timezone, at nood ng In The Name of the King. May isa nga lang mali sa aking unang Alone Time. Iyon ay hindi ako nag-iisa dahil sumama si Kyle at si Red....

January 30, 2008

Ang Pagbabalik

Tapos na ang aking pagtatago. Ako ay muling nagbabalik. Tapos na ang aking pagmumukmok dahil ngayon ang umpisa ng pagbabago. Ngayon ang umpisa ng Alone Time. Ayun lang. VT Galang said… Mabuhay! Wednesday, January 30, 2008 6:23:00 AM Jobelle Avengoza said… ang arte… pa-alone2 time pa… Wednesday, January 30, 2008 8:02:00 AM VT Galang said… Para yan yung palabas na Home Alone eh. Iba nga lang ang bida, Makulay ang Buhay hindi McCauly Caulkin foo!...

January 30, 2008

Alone Time

Ngayong taon, uumpisahan ko ang isang proyekto para sa aking sarili. Ito ay ang Alone Time kung saan isang araw sa bawat buwan ang ilalaan ko para ako ay maglakwatsa mag-isa. Naisip ko na tuwing huling Miyerkules ang araw na ito. Bakit ko gagawin ito? Aba mayaman ako at gusto ko gumastos. Hehe. Biro lang. Ang tunay na dahilan ay para siguradong may maisulat ako dito kada buwan. Hehe. Masaya lang talaga ang mag-isa....

January 27, 2008

Muli

Ilang araw ka na nasa isip ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman tayo nagkikita. Hindi naman tayo nag-uusap. Lumang tugtugin na ito. Lipas na ang mga araw. Ako na lang ang naiwan. Umaasa pa rin. Umaasa pa rin. Hanggang kailan ako magiging ganito? Hindi na dapat nangyayari ito. Dapat na itong tapusin. Matagal na dapat itong natapos. Muli na naman ako nag-drama. Muli na naman ako nagpapansin. At gaya ng mga naunang pagpaparamdam ko, muli mo na naman ito hindi mapapansin....

January 20, 2008

Missed Opportunity

it’s been so long since the last time i’ve talked to you i’ve been hurting since then but you did not know it i’m really trying hard to have a chance with you but all i’m getting are just sorrows for my heart and because of these loneliness and emptiness there’s a time when i think of looking for someone new but all my thoughts always end up calling for you...

January 9, 2008

Too Late

as the stillness of the night moves before my eyes i saw a figure that made me realize that is was you, girl, sent by Him from up above to come to me whispering words of tender love she told me she misses the way i look at her that she longs to see my smile for another day and she confessed without me she would fall apart she said that she really loves me with all her heart...

January 9, 2008

Takot

Takot. Takot na naman ako. Natatakot akong kumilos. Natatakot ako na hindi mo na naman ako papansinin. Usap. Usap naman tayo. Nais lang naman kita muling makausap. Nais lang naman kita muling makausap. Tago. Tago na lang ako. Magtatago ako sa Pidgin. Magtatago ako kung sakaling magkasalubong tayo. Takot. Natatakot ako na hindi mo ako papansinin. Sa tuwing susubukan kong makipag-usap sa iyo. Kaya magtatago na lang ako. Galing sa http://lit....

December 18, 2007

Spinning Giant Top

December 3, 2007

Rizal Re-Creation Center

https://photos.app.goo.gl/d9JSrofkV889ysTJA Pagbigyan ang nanginginig na mga kamay. VT Galang said… LOOKS FAMILY! Monday, December 03, 2007 11:17:00 PM Wigi Vei ウィジヴェイ said… EPIC WIN! Tuesday, December 04, 2007 7:29:00 AM

December 3, 2007

A

Wala lang. “A” ang madalas kong sabihin sa mga kausap ko sa IM kapag wala akong masabi. Ang tagal ko nang walang post. Dito man o hindi. Nakakalungkot kahit walang dahilan. Malamig na naman ang pasko ko. Nauubos na ang dram na pinagkukunan ko ng inspirasyon. Kapag nawala na yun ay bubulagta na lang ako at hihilata. Kausapin mo na ulit ako. Sige na. Natatakot kasi akong mauna e. Baka sungitan mo na naman ako....

November 26, 2007