Once a Borap, Always a Borap

Ilang araw ko na pinag-iisipan itong ME pero wala pa rin akong maisip na magandang solusyon. Kapag naman may nakita ako na mukhang pwede e ang hirap naman i-implement tapos habang kino-code ko e may mga lilitaw na cases na hindi pala sya pwede. Kapag borap, laging borap. Sa tingin ko talaga ay kulang lang ako sa katalinuhan upang makapag-isip ng mga masisigasig na solusyon. Wala namang ibang bagay na bumabagabag sa akin na posibleng makasira sa aking konsentrasyon....

September 9, 2008

Geni

Paano gumawa ng family tree sa Geni kahit hindi mo lagyan ng laman ang first name, last name, email, at gender? Pumunta sa http://www.geni.com/. I-click ang “Start My Tree!”. May lilitaw na “Please enter a first name” sa baba ng form. I-disable ang JavaScript. I-click uli ang “Start My Tree!”. May lilitaw na message na kailangan daw ng Geni ang Flash at JavaScript. I-enable ang JavaScript. Mag-click sa kahit saan....

September 4, 2008

Panaginip

Hindi ko na sasabihin kung ano ang panagainip na yun kasi hindi ko pwede sabihin. Sana lang ay huwag na maulit ang masaklap na panaginip na iyon. Tonio SM said… Alam na kung tungkol kanino! Este… tungkol saan! Friday, August 29, 2008 1:19:00 PM Waldemar Bautista said… Ayan ka na naman. Friday, August 29, 2008 7:19:00 PM Ardee Aram said… ang yummy naman ng panaginip mo.Haha! Saturday, August 30, 2008 9:51:00 PM...

August 29, 2008

Maraming Bagay

Maraming bagay ang dapat gawin. Maraming bagay ang dapat isipin. Maraming bagay ang ginagawa para makausad. Maraming bagay ang ipinagpapaliban. Maraming bagay ang ayaw na pakialaman. Maraming bagay pa ang dapat malaman ngunit iisa lang ang hinahanap-hanap.

August 26, 2008

!Borap

Hindi na ako borap. Ang dami kong ginastos nitong mga nakaraang araw. Tama na muna yan. Mataas ang nakuha kong marka sa unang pagsusulit sa CS 270, gayundin sa CS 250. Ituloy pa natin yan. Magastos ang maging malungkot. Jobelle Avengoza said… waw kaya ka pala nanlibre kasi nalungkot ka. Ang landi a… Mahindutin ka rin katulad ni reginald. Saturday, August 23, 2008 3:54:00 AM

August 21, 2008

Si WALL-E at Ako

Ako si Wali. Sya si WALL-E. Ako ay code janitor ng CRS. Sya ay janitor ng Earth. Ako ay walang EVE. Sya ay meron. Wala lang. Ardee Aram said… hahaha mahusay Thursday, August 21, 2008 10:15:00 PM Jobelle Avengoza said… ano to? Thursday, August 21, 2008 10:43:00 PM

August 21, 2008

Bagong Blag

May bago akong blag. Hehe.

August 11, 2008

Talaan Screenshot

Wala lang. Tonio SM said… Ang husay namang talaga ng Talaan! Friday, August 08, 2008 3:39:00 PM Ardee Aram said… mahusay, parang sinabawang gulay Friday, August 08, 2008 8:47:00 PM Waldemar Bautista said… Syempre ikaw ang gumawa e. Saturday, August 09, 2008 12:46:00 AM

August 8, 2008

Magpapakabait na Ako

Dahil uso yata ngayon ang magpakabait, gaya ni Red, kahit hindi ako mahilig makiuso, ay magpapakabait na rin ako. Mula ngayon, iiwasan ko na hangga’t maaari na banggitin ka sa mga kausap ko. Napag-uusapan ka kasi. Hindi tama iyon. Mula ngayon, iiwasan ko na hangga’t maaari na gumawa ng mga madramang post na may kinalaman sa iyo. Hindi tama iyon. Huli na ito. Mula ngayon, iiwasan ko na hangga’t maaari na makita mo ako....

July 30, 2008

Tama Na

Tama na. Masyado na ma-drama. Masaya ka naman. Ako, ok lang kahit ano. Wigi Vei ウィジヴェイ said… Tama na yan Inuman na! Wednesday, July 23, 2008 12:20:00 AM Ardee Aram said… o pare ko’y tumagay ka! Wednesday, July 23, 2008 7:22:00 PM

July 22, 2008

Suko Na Ba?

Kung sa Add Buddy nga e nire-reject na, paano pa kaya sa ibang bagay? Nang-iinis pa yung smiley. Pangiti-ngiti pa. Reginald Eli Deinla said… Adik. Sunday, July 20, 2008 2:10:00 AM Jobelle Avengoza said… sino ’tong nangrereject sa’yo? bagong babae ba yan? Sunday, July 20, 2008 10:10:00 AM Tonio SM said… Hoy wag kang malungkot, marami ka pang lilinising code. Sunday, July 20, 2008 1:22:00 PM Waldemar Bautista said… Kilala mo ata yan....

July 20, 2008

Bagong Yahoo! ID

May bago na akong Yahoo! ID. Hindi ko na gagamitin yung luma. Paki-contact na lang ako para sa bago kong ID.

July 16, 2008

Nawala na ang Magic

Nakita nya sya nung araw na yun. Naglalakad na may kasamang lalaki papunta sa tagpuan ng pagpupulong. Wala pa syang pakialam sa kanya dahil hindi naman talaga nya sya nakakausap. Naririnig lang nya ang pangalan nya paminsan-minsan sa mga usapan nya at ng mga kasama nya. Tinutukso pa nga nya ang isang kasama nya sa kanya. Nangyari ang pagpupulong. Napansin nya na may kakaiba. Matapos ang pagpupulong, nagpunta na sya kasama ang iba pa sa lugar na kung saan dumaraan ang mga sasakyan....

July 12, 2008

d2 ka reply or call nalang send ka load 150pesos...

Listahan ng mga “d2 ka reply or call nalang send ka load 150pesos…” numbers. +639278531194 +639274224912 +639165692598 Ayan sikat na kayo. Dagdagan pa natin ito. Ardee Aram said… yeah! parang alam ko yang technique na yan ah… blogging the cellphone numbers…against network marketers! hahahhaha! Tuesday, July 01, 2008 8:10:00 PM Waldemar Bautista said… Dagdag. +639167128519 Sunday, July 20, 2008 9:20:00 PM Waldemar Bautista said… Dagdag. +639053232563 Thursday, November 13, 2008 9:58:00 AM...

June 30, 2008

Nandun

Tapos na ang pagtuturo. Labas-pasok ako sa silid na iyon dahil inaabangan ko ang aking klase na gaganapin sa isa pang silid at ang aking lunch. Nasa tapat ako ng pinto ng silid na pagdarausan ng klase ko nung ikaw ay dumaan. Pumasok ka dun sa silid kung saan ako labas-pasok. Sa pagkakatanda ko ay lumabas ka at dumaan pa sa likod ko. Buong akala ko ay wala ka dun sa silid kung saan ako labas-pasok....

June 30, 2008

I Code When I'm Sad Again

Eto yung kadugtong nung huling post. At sabog na naman ang layout nito. <?php $message = '844610446101463246109461114611546116463246984610146974611746116461054610246117461084632461104697461094610146324610546110463246116461044610146324611946104461114610846101463246119461054610046101463246119461114611446108461004632469746994699461114611446100461054611046103463246116461114632467046111461144611446101461154611646324671461174610946112'; $hint = explode('46', $message); print_r($hint); ?> Wigi Vei ウィジヴェイ said… Wahoooooooo! Sunday, June 22, 2008 10:52:00 AM Tonio SM said… ADIK. Tuesday, June 24, 2008 9:17:00 PM

June 22, 2008

I Code When I'm Sad

<?php define('MESSAGE', '@Y2F0IDxmaWxlbmFtZT4gfCBncmVwICI#gPSAiIHwgY3V0IC1mMSAtZCIgIiB8IG$N1dCAtZjEgLWQiXyIgfCBjdXQgLWYxI%C1kInIiIHwgY3V0IC1mMiAtZCIkIg=='); $i = 0; $miss_chars = array('@', '#', '$', '%'); $your_output = ''; while (count($miss_chars) > 0) { $your_output .= substr(MESSAGE, strpos(MESSAGE, $miss_chars[$i]) + 1, 31); unset($miss_chars[$i]); $i++; } echo "$your_output\n"; ?> Waldemar Bautista said… Ay sumabog ang layout. Monday, June 16, 2008 1:16:00 AM Wigi Vei ウィジヴェイ said… ANAK NG TOKWA! MAHUSAY! Monday, June 16, 2008 2:05:00 AM Tonio SM said… Ang bangis! Monday, June 16, 2008 5:57:00 PM...

June 16, 2008

Bawal Muna ang Softdrinks

Naisip ko lang nung araw bago ng kaarawan ko na isang taon muna akong hindi iinom ng softdrinks para naman mabawasan ang mga kalat sa loob ng katawan ko. Hindi ako nakatitiyak na magagawa ko ito pero aking susubukan. Ayun lang. VT Galang said… Mabuti naman Wednesday, June 11, 2008 11:55:00 PM Waldemar Bautista said… Tama. Pineapple juice na lang muna. Thursday, June 12, 2008 12:04:00 AM Ardee Aram said…...

June 11, 2008

Maligayang Kaarawan!

Mga bumati. 06:11 - nanay 07:19 - tatay 08:16 - Ardee 08:19 - kuya 09:14 - Pio 10:55 - Jofell 11:13 - diko 12:06 - Karl 12:35 - Marte 14:03 - Wigi 21:21 - VT Mga nagparamdam. 08:43 - Luis 09:15 - Kyle 23:18 - Red VT Galang said… Ang galing ng oras ko! 21:21!!! Wednesday, June 11, 2008 12:16:00 AM Waldemar Bautista said… Hindi mo oras yan. Oras ko yan....

June 11, 2008

Aray

Matagal ko na hindi nararamdaman ang pakiramdam na ito. Ngayon na lang uli. Nakita uli kita matapos ang mahabang panahon. Walang pasok bukas. Gusto kita makasamang muli. Kahit sandali lang. Naisip ko na yayain ka lumabas. Tamang-tama at may gusto rin akong panoorin. Matagal na kitang hindi nakakausap. Hindi ko alam kung paano sisimulan. Lakas-loob kitang inimbitahan. Plano mo na palang panoorin yun kasama ang mga kaibigan mo. Ngayon na lang uli....

June 8, 2008